Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga otoridad na muling buksan ang EDSA-Munoz interchange at EDSA-West Avenue-North Avenue interchange para mabawasan ang paglala ng lagay ng trapiko sa lugar.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, pormal na silang nagsumite ng kanilang apela sa Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang pagtugon sa napakaraming reklamong kanilang natatanggap mula sa mga motorista.
Gayunman nilinaw ni Belmonte na suportado nila ang inisyatibo ng pamahalaan kaugnay sa pagsasaayos ng transportasyon sa bansa ngunit kailangan din umano timbangin kung naisasaalang-alang ba rito ang kalagayan ng mga motorista.
Magugunitang isinara ng MMDA ang 13 u-turn slots sa EDSA ngayong buwan.