Nagpositibo muli sa covid si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Batay sa inilabas na anunsiyo ng Pasay Public Information Office (PIO) kahapon, sumailalim sa covid test ang alkalde matapos makaranas ng pananakit ng lalamunan o sore throat nitong Sabado.
Samantala, sa ngayon ay naka-isolate na ang 61-anyos na alkalde habang inaalam pa ng mga otoridad kung anong variant ang tumama rito.
Pebrero noong nakaraang taon nang unang beses magka-covid si Calixto-Rubiano.