Nangunguna si Davao City Mayor Sara Duterte at ang kanyang ama na si Pangulong Duterte sa isang survey para sa posibleng kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
Sa survey ng pulse asia na isinagawa noong June 7 hanggang June 16, sa 2,400 na respondents nakakakuha si Sara Duterte ng 28% sumunod sa kanya si Manila Mayor Isko Moreno na may 14%.
Nakakuha naman ng labingtatlong porsiyento si dating Senador Bongbong Marcos at Senador Grace Poe, 10%
Maliban dito, nakakuha naman ng 8% si Senador Manny Pacquiao, 6% naman si Vp Leni Robredo at 4% naman si Senator Panfilo Lacson.
Patuloy naman nangunguna si Mayor Sara Duterte sa naturang survey ngunit nagpahayag ng pag-aalangan ang alkalde tungkol sa pagtakbo sa susunod na halalan.
Samantala, nuong nakaraang linggo, inihayag ng Davao City Mayor na bukas ito sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.