Sakaling manalo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pangulo ng bansa, sa Malacañang lamang umano ito manunumpa.
Ayon kay Duterte, wala siyang pakialam sa tradisyon at mamarapatin pa nitong gawin ang oath-taking sa loob ng opisina ng presidente, mag-imbita ng mangilan-ngilang tao, at isatelebisyon ang talumpati upang makita ng taumbayan.
Ito, aniya, ay sa halip ang magarbong panunumpa na tradisyon nang ginagawa sa Luneta.
Dagdag pa ni Duterte, matapos niyang manumpa bilang pangulo sakaling manalo nga ito ay agad niyang ipatatawag ang pulisya at militar upang sabihang sugpuin ang iligal na droga sa loob ng 60 araw.
By: Avee Devierte