Tinawag ng Liberal Party (LP) na pambu-bully ang mga pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte laban sa standard bearer ng partido at ilang opisyal ng ruling party.
Sinabi sa DWIZ ni Congressman Edgar Erice, Political Affairs Chief ng LP na hindi na makatuwiran ang aniya’y dirty tactics ni Duterte sa pag-atake sa mga kalaban nito sa pulitika.
Nagbabala pa si Erice na mayroong kalalagyan si Duterte kapag nagpatuloy pa ito sa pambu-bully.
“Sa mga ganyang pahayag ay baka mali ang kahinatnan at maging pang-unawa ng mga kabataan sa mga namumuno sa bayan kaya madadagdagan pa yung mawawalan ng respeto o kaya baka akala nila tama yang mga foul language na ginagamit niya, kaya sabi ko hindi naman puwede na laging ganyan na walang sasagot sa kanya, sa Caloocan may kalalagyan siya doon, unang-una mayroong ano doon Center for National Mental Health.” Pahayag ni Erice.
Ratings
Samantala, hindi nag-aalala ang Liberal Party (LP) sa tila hindi umabanteng ratings ng kanilang mga pambato sa 2016 presidential elections.
Gayunman, naniniwalang inihayag sa DWIZ ni Congressman Edgar Erice, Political Affairs Chief ng LP na papalo ang ratings nina Mar Roxas at Leni robRedo habang papalapit ang mismong eleksyon sa May 9, 2016.
“Tingin ko okay lang po yan, lalabas na pagdating ng Enero zero-zero na yan, pag nag-start yung race, pag isang starting line lang ang tatakbuhan lahat sila, eh yung iba nga ang problema nila ay baka hindi sila makatakbo.” Dagdag ni Erice.
By Judith Larino | Karambola