Nakatakdang magtungo sa China si dating Pangulo ngayo’y manila Mayor Joseph Estrada.
Ito’y bilang panauhin ng nasabing bansa sa gagawing malaking military parade ngayong linggo upang ipagdiwang ang pagbagsak ng Japan noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Ayon kay Diego Kagahastian, tagapagsalita ni Estrada, dadalo ito sa naturang okasyon sa Setyembre 6 bilang alkalde ng lungsod at hindi bilang kinatawan ng Republika ng Pilipinas.
Itinuturing kasing sister city ng Beijing ang Maynila dahil minorya ng populasyon nito ay mga Tsino kaya’t naimbitahan ang dating Pangulo sa okasyon.
By Jaymark Dagala