Aminado si Presidential Daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio na pinag-iisipan na niyang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.
Ayon kay Duterte – Carpio, marami ang nagsasabing ire-konsidera niya ang kanyang desisyon na huwag sumabak sa presidential elections pero may ilan ding tumututol.
Anya, binigyan na siya ng hugpong ng pagbabago governors ng hanggang Hulyo upang magdesisyon.
Tinuldukan naman ng alkalde ang isinusulong na Duterte – Duterte tandem sa 2022 kung saan siya ang tatakbong pangulo habang ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbi-bise presidente.
Sinagot din ni Mayor Inday ang issue na scripted umano ang kaniyang mga pahayag at matutulad lang siya sa ama na tumakbo bilang pangulo at humabol sa huling minuto ng filing ng kandidatura. — sa panulat ni Drew Nacino