Balik sa pagiging pinuno ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), si Davao City Mayor at Vice Presidential Aspirant Sara Duterte-Carpio.
Muling sumali sa hugpong, na regional party na itinatag niya mismo, si Duterte–Carpio ilang araw matapos umalis sa organisasyon at nanumpa sa Lakas-CMD, na isang National Political Party.
Ayon kay HNP Secretary-General Anthony Del Rosario, nanumpa si mayor Inday bilang pinuno ng Hugpong, kahapon.
Hindi anya ipinagbabawal sa ilalim ng konstitusyon at by-laws ng dalawang partido ang re-appointment ng alkalde bilang chairperson lalo’t ang HNP ay isang regional political party.
Idinagdag ni Del Rosario na mas mapapatibay ng papel ni Mayor Sara, bilang pinuno ng Hugpong at Lakas, ang alyansa ng dalawang partido na magsusulong ng people-centered development sa Davao Region maging sa buong bansa.
Nobyembre a-11 nang umanib ang presidential daughter sa Lakas-CMD matapos bumaba sa pwesto sa hugpong. —sa panulat ni Drew Nacino