Ibinida ni Manila Mayor Isko Moreno na nasa higit 100 barangay sa Maynila ang drug clean sa Maynila.
Aniya, mas mataas ito ng higit 100% kumpara noong nakaraang taon.
Umabot na rin aniya sa 1,074 na drug surrenderees sa lungsod ang sumailalim sa rehabilitasyon.
Samantala, naglaan na umano ng pondo ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila para sa mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga.