Ipinagmalaki ni Manila Mayor Isko Moreno na umabot na sa 3373 mga kalsada sa Maynila ang malinis na mula sa mga illegal obstruction.
Inanunsyo ito ni Moreno kasabay ng kaniyang ika-100 araw sa tanggapan bilang alkalde ng Maynila.
Ayon pa kay Moreno, hindi lamang pagtatanggal ng obstruction ang kaniyang nagawa kundi nalinis din ang mga maruming kalsada sa syudad.
Tiniyak naman ni Moreno na tuloy-tuloy ang clearing operation sa Maynila kahit pa tapos na ang deadline na ibinigay ng Department of Interior and Local Governmnent sa Metro Manila Mayors para linisin ang mga kalsada sa kani-kanilang nasasakupan.
Magugunitang inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na opisyal na tanggalin ang mga obstruction sa mga kalsada sa kanilang lugar upang mapakinabangan ng mga tao.