Sorpresang binisita ni Manila Mayor Isko Moreno ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, madaling araw ng Miyerkules.
Dinatnan ng alkalde sa emergency room ang ilang mga pasyente na nasa wheelchair na lamang dahil wala nang bakanteng higaan sa emergency room (ER).
Kinausap ni Mayor Isko ang mga pasyenteng dinatnan sa ER at ang staff ng ospital.
Maliban dito ay inikot rin ng alkalde ang iba pang departamento ng ospital.