Nasa mabuting kalagayan ngayon si Manila Mayor Isko Moreno matapos na magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Grace Padilla, Director ng Sta. Ana hospital sa ngayon ay may mild case ng COVID-19 ang Alkalde.
Sa case bulletin ng Alkalde, lumabas na bagamat normal ang chest CT- scan result nito ay nakararanas din ito ng pag-ubo at pananakit ng katawan.
Patuloy naman ani Padilla ang oral anti-biotics at iniinom na mga gamot ng Alkalde para tuluyang makarekober sa COVID-19.