Nagpaabot ng pasasalamat si Manila Mayor Isko Moreno sa 1sambayan ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.
Ito’y dahil sa pagkukunsidera sa kaniya bilang isa sa mga pambato sa 2022 Presidential elections.
Para kay Moreno malaking karangalan na isa siya sa mapisil ng nabanggit na grupo.
Ngunit ayon sa alkalde hindi pa panahon ngayon para pag-usapan ang pulitika dahil sa kinakaharap pang pandemya bunsod ng COVID-19.
Ani Moreno may tamang oras para ito pagusapan ngunit hindi ngayon.
Kabilang din sa ikinunsidera ni 1sambayan sina Vice President Leni Robredo, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe at dating Sen. Antonio Trillanes.