Pabor si Manila Mayor Isko Moreno na payagan nang makapagbiyahe ang mga tradisyonal na jeepneys.
Makakatiyak aniya ang mga jeepney drivers na kung tatanungin siya ng kanyang posisyon sa isyu ng jeepneys ay positibo ang kanyang magiging kasagutan.
Ayon kay Mayor Isko, bilang dating trike driver, alam nya ang gutom na inabot ng maraming drivers sa nagdaang tatlong buwan na ng quarantine.
Kaya naman sa pamamahagi anya ng ayuda ay laging una sa kanilang listahan ang mga drivers ng jeepneys at tricycle na umaasa lang sa arawang kita.
Kamakailan lamang ay namahagi ang city hall ng Maynila ng tig isang kabang bigas at de lata sa mga drivers.
Lugmok na lugmok na yang mga jeepney driver, hirap na hirap na mga yan at kayo’y dapat makapaghanap buhay na dahil talagang mahirap na mahirap ang buhay ngayon lalo na yang mga sidecar boy, pedicab driver, tricycle driver, jeepney driver, taxi driver, bus driver sila kapag walang byahe walang kita, kapag walang kita walang chicha ganun ang buhay nila araw-araw kaya kapag ang driver nagkakasakit doble tama sa kanila kasi wala ng chicha puro tosgas pa,” ani Moreno.