Tinanggap na ni Manila Mayor Isko Moreno ang kaniyang Gusi Peace Prize sa ginanap na awarding ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Kinilala si Moreno dahil sa papel na ginampanan nito para mabawasan ang kriminalidad at pagkasira sa kalikasan.
Bukod dito binigyang pansin din ang kontribusyon ng alkalde para makamit ang kapayapaan habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin.
Kabilang si Moreno sa 16 na laureats mula sa iba’t ibang bansa tulad ng India, Malaysia at Estados Unidos.
Bukod dito, nakatanggap din ng prestihiyosong award si Dr. Carolina Rodriguez ng Our Lady of Fatima University.
Ang Gusi Peace Prize ay iginagawad sa mga indibidwal at organisasyon na malaki ang kontribusyon para makamit ang kapayapaan sa mundo.