Nagkarooon na ng pagkakataon ang mga bilanggo sa Manila City Jail na magdiwang ng Pasko matapos dalawin ni Mayor Joseph Estrada para bigyan ng aguinaldo.
Sa datos ng pamunuan ng Manila City Jail, mahigit 3,000 bilanggo lalaki habang nasa 300 ang babae ang nakapiit kung saan karamiha’y hindi na nadadalaw ng kanilang mga kaanak at ang iba ay wala ng ugnayan sa kanilang pamilya.
Kabilang din sa nabigyan ng pamasko ang mga inaalagaan sa orphanage ng Damas Filipina.
Sa talumpati ni Erap, inihayag nitong hindi naman siya naiiba sa mga bilanggo dahil naranasan din niyang makulong ng 6 na taon.
Pinayuhan naman ni Estrada ang mga preso na huwag mawalan ng pag-asa.
By: Drew Nacino I Aya Yupangco