Umaasa pa rin si Daanbatayan, Cebu Mayor Vicente Loot na makakaharap at makakausap pa rin niya si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y para linisin ang kaniyang pangalan matapos na pangalanan siya ng punong ehekutibo bilang isa sa mga heneral ng pambansang pulisya na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Loot, hindi siya kailanman magbibitiw sa puwesto lalo’t malinis ang kaniyang konsensya sa kabila ng mga batikos na inaabot niya mula sa Pangulo.
Iginiit pa ni Loot, walang dahilan para siya’y magbitiw sa puwesto lalo’t hindi naman talaga siya sangkot sa iligal na kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Sa huli, nanindigan si Loot na haharapin niya ang anumang kasong isasampa laban sa kaniya maging ang kamatayan lalo’t batid niya at ng kaniyang pamilya na malinis ang kaniyang konsensya.