Nais ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na manatili lamang sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang lungsod.
Kasunod ito ng nakatakdang pagpapasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at Inter-Agency Task Force Agency (IATF) hinggil sa ipatutupad na klase ng community quarantine sa buong bansa.
Ayon kay Labella, hindi siya kumportable kung mas luluwagan pa ang umiiral na restriksyon sa Cebu City at maibaba ito sa modified GCQ lalu’t nagpapatuloy pa rin aniya ang mass testing at contact tracing sa lungsod.
Umaasa naman ang alkalde na ikukunsidera at pakikinggan ng IATF ang kanyang suhestiyon.
Sinabi ni Labella, batay sa kanilang pinakahuling datos, umaabot na sa tatlong libo ang nagpostibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City kung saan 90% ang asymptomatic.