Pinatawan ng tatlong buwang suspensyon ng Sandiganbayan si Guagua, Pampanga Mayor Dante Torres dahil sa iligal na paggamit nito ng public funds.
Ayon sa Sandiganbayan Second Division, mandatory ang suspension sa mga government official tulad ni Torres na ikausahan ng Office of the Ombudsman ng maling paggamit 2.76 Million Pesos.
Ang nasabing pondo ay ginamit sa rehabilitasyon ng Manuel Santiago Park noong July 2014.
Gayunman, orihinal na inilaan ang nasabing halaga sa pamamagitan ng Municipal Ordinance para sa rehabilitasyon ng Aurelio Tolentino Frontage maging sa pagbili ng isang refrigerator van at heavy equipment.