Nahaharap sa kasong murder sa Regional Trial Court ng Calubian, Leyte si Mayor Remedio Balmoria Veloso ng San Isidro, Leyte at kapatid nitong Emmanuel Veloso.
Kaugnay ito sa pagkamatay ni dating San Isidro, Leyte Municipal Administrator Levi Mabini alias “Bambam” nuong May 8, 2019 sa Barangay Capiñahan, San Isidro, Leyte.
Ang reklamo ay una nang ibinasura ng dating piskal mula sa Office of the Provincial Prosecutor kaya’t naghain ng Motion for Reconsideration ang PNP-CIDG na siya namang kinatigan ng piskalya.
Kasunod na rin ito nang masusing pagbusisi ng piskalya sa apela ng complainant gayundin sa mga ebidensyang nakalap ng mga otoridad.
Dawit din sa reklamong murder ang apat pang respondents na sina Cayetano Balmoria Dagandan, Manuelito Balmoria Sidaya, isang John Doe at isang Peter Doe.
Magugunitang nangyari ang pamamaril nuong 2019 mid-term election kung saan sinasabing nanalo lang ng isang boto si Mayor Veloso laban sa dating alkalde na si Susan Ang.