Muling inireklamo sa Ombudsman si Malabon City mayor Lenlen Oreta dahil sa umano’y ilegal na paggastos ng pondo ng United Financial Assistance System for Tertiary education (UniFAST) para mga mag-aaral ng CMU o City of Malabon University.
Bukod kay Oreta, kabilang sa mga kinasuhan ng technical malversation at plunder ang mga miyembro ng lupon ng CMU at sangguniang panlungsod ng Malabon.
Ayon kay Dennis Garcia Padua, residente ng Malabon, dapat managot ang grupo ni Oreta kung saan kabilang sa kanilang mga ebidensya ang statement of accounts na nagpapakita ng listahan ng mga estudyanteng nakinabang sa tulong pinansiyal ng UNIFAST na ang mga beneficiary ay nasa halos limang libo.
Sinabi ni Padua na 46 million pesos lamang mula sa 80 million pesos na inilabas na pondo para sa mga beneficiary ng UniFAST ang nagamit noong 2020 samantalang 55 million pesos mula sa 90 million pesos ang napasakamay ng mga student beneficiary noong isang taon.