Hindi maaaring maging substitute ni Martin Diño Chairman ng Volunteer Against Crime and Corruptions si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ang opinyon ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.
Ayon kay Macalintal, hanggang ngayon ay tumatanggi pa rin ang alkalde na tumakbong presidente.
Liban dito, depektibo rin umano ang Certificate of Candidacy (COC) na inihain ni Diño dahil nakasulat doon ang pagtakbo sa pagka-Mayor sa Pasay City, samantalang residente naman siya ng Quezon City.
Tinukoy pa ni Macalintal, na sa ilalim ng election code kailangang may certificate of nomination si Diño mula sa PDP-Laban at gayundin ay certificate of acceptance mula kay Mayor Duterte at maging ang COC mula sa alkalde.
By: Mariboy Ysibido