Patay si Buenavista, Bohol Mayor Ronald “Sampol” Tirol matapos na pagbabarilin sa loob ng isang sabungan kahapon.
Ayon kay Buenavista Police Chief Inspector Rully Lauron, tatlong lalaki ang pumasok sa loob ng sabungan ngunit isa lamang sa mga ito ang bumaril sa alkalde nang makailang ulit.
Naisugod pa si Tirol sa Francisco Dagohoy Municipal Hospital sa bayan ng Inabanga ngunit binawian rin ito ng buhay.
Tinitignan na ng mga awtoridad ang motibong may kinalaman sa pulitika at personal na buhay kaya napatay ang alkalde.
INVESTIGATION
May sinusundan na umanong mga suspek ang Philippine National Police kaugnay sa pamamaril at pagpatay sa alkalde ng Buenavista Bohol na si Ronald Tirol.
Sinabi ni Police Chief Inspector Rolly Lauron, hepe ng Buenavista PNP, nakatanggap ng pagbabanta sa kaniyang buhay ang biktima bago pa man mangyari ang insidente.
Gayunman, tumanggi muna si Lauron na ibunyag ang pagkakakilanlan ng suspek dahil kailangan umano muna ng nila mangalap matibay na ebidensya.
Batay sa ulat, naka-upo lamang ang alkalde sa loob ng isang sabungan sa naturang bayan nang bigla itong lapitan at barilin sa ulo ng suspek.
Nagawa pang maidala sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot na buhay.
—-