Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagkita sila nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sen. Imee Marcos sa Cebu City.
Ang pahayag ay ginawa ng alkalde sa harap ng mga espekulasyon kung tatakbo ba siya o hindi sa mas mataas na posisyon sa susunod na taon.
Sinabi ni Duterte-Carpio na dumalo siya, kasama ang magkapatid na Marcos, sa pagdiriwang ng kaarawan ng maybahay ni House Majority Leader Martin Romualdez na si Yedda sa nasabing lungsod.
Hindi naman binanggit ni Inday Sara kung anu-ano ang mga napag-usapan nila sa naturang event.