Hinamon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang Otso Diretso na harapin sya sa isang debate.
Ginawa ni Duterte-Carpio ang hamon matapos ibasura ng Commission on Elections o Comelec ang kahilingan ng Otso Diretso na magkasa sila ng debate sa pagitan ng kanilang grupo at mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago.
Sinabi ni Duterte-Carpio na handa nyang harapin ang walong kandidato ng oposisyon sa isang public debate.
Sa kanilang pagbasura sa kahilingan ng Otso Diretso, idinahilan ng Comelec ang kakulangan ng oras para sa mahigit animnapung (60) senatorial elections at kakulangan din sa logistics.
Otso Diretso sinopla ang hamon ni Mayor Sara Duterte – Carpio
Sinopla ng Otso Diretso si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio sa hamon niya na siya na lang ang haharap sa debate kontra sa oposisyon.
Ayon kina dating Cong. Erin Tañada at dating Solicitor General Florin Hilbay, hindi naman kumakandidatong senador si Duterte-Carpio.
Sinabi ni Hilbay na ang gusto nilang makaharap ay yung pareho nila ng lebel na tinatakbuhan sa darating na eleksyon.
Umaasa naman ang Otso Diretso na haharapin sila ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago kahit na ibinasura ng Commission on Elections o Comelec ang kahilingan nilang mamagitan o magpatawag ng debate ng mga senatorial candidates.
Ex-Rep. Tañada tinawag na ‘cop-out’ ang naging desisyon ng Comelec
Tinawag na cop-out ni dating Congressman Erin Tañada ang desisyon ng Commission on Elections o Comelec na ibasura ang kahilingan nilang magpatawag ito ng debate sa pagitan ng senatorial candidates.
Ayon kay Tañada, maraming paraan para maisagawa ng Comelec ang debate kung nais nilang matalakay ang mahahalagang isyu ng ating bansa.
Maaari aniyang kumuha ng tig dalawang kandidato ang Comelec sa bawat partido at dalawang independent sa bawat araw na isasagawa ang debate.
Matatandaan na isa sa idinahilan ng komisyon ay ang pangamba na maparatangan silang may kinikilingan sa pagsasagawa ng debate.