Malugod na tinanggap ni Davao City Mayor at Vice Presidential Aspirant Sara Duterte-Carpio ang alok ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na maging chairman ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Ang Lakas-CMD ay partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung saan siya ang President Emeritus habang si House Majority Leader at First District Leyte Rep. Martin Romualdez naman ang presidente.
Una rito, sinabi ni Revilla na buo ang kanyang tiwala sa liderato ni Mayor Sara at naniniwala siyang magtatagumpay ang kanilang partido sa 2022.
Mababatid na nitong November 11 ay umanib si Mayor Sara sa Lakas-CMD matapos magbitiw sa kaniyang regional party na hugpong ng pagbabago. —sa panulat ni Hya Ludivico