Binuweltahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang ama na si Pangulong Duterte at Sen. Christopher Bong Go hinggil sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa pagtakbo nila sa 2022 national elections.
Ito’y kasunod ng paglilinaw ng malakanyang na hindi tatakbo si Pangulong Duterte sa pagkabise presidente sa 2022 national elections kung tatakbo ang anak na alkalde.
Sa kanyang facebook post, sinabi ni Mayor Sara na totoong tatakbo ang Pangulo at si Sen. Go bilang tandem sa darating na halalan.
Mismong si Pangulong Duterte umano ang nagkumpirma nito sa kanya sa isinagawang pag-uusap kung saan hindi naging maayos ang pag-uusap ng dalawa.
Binigyan aniya siya ng Pangulo ng dalawang liham kung saan nakasaad sa unang liham na kailangan nito iendorso ang Go-Duterte team at ikalawa ay kailangan kunin niyang running mate si Go.
Hinimok din ni Inday Sara na aminin na lamang sa publiko ang desisyong pagtakbo ng Pangulo at Senador para sa susunod na halalan.
Samantala, sinabi ni Inday Sara sa kanyang ama at Sen. Go na huwag gawing dahilan ang kanyang pangalan sa pagtakbo o hindi sa halalan.