Hindi pa rin natitinag ang running-mate ni dating senador Bongbong Marcos na si Davao City mayor Sara-Duterte Carpio sa Vice Presidential Survey ng Social Weather Stations (SWS).
Umani ng 44% ang presidential daughter sa pinaka-bagong SWS Survey sa 1,200 respondents noong January 28 hanggang 31.
Pumangalawa ang ka-tandem ni Senador Ping Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto, III na may 33% habang 10% ang nakuha ng kanyang pamangkin at running-mate ni Vice President Leni Robredo na si Senator Kiko Pangilinan;
Pasok naman sa ika-apat na pwesto ang ka-tambal ni Manila Mayor Isko Moreno na si Dr. Willing Ong, na mayroong 7% habang 2% para kay Buhay Party-List Rep. Lito Atienza, na ka-tandem ni Senador Manny Pacquiao.