”no comment”
Ito ang naging tugon ni Davao City Mayor Sara Duterte matapos tanungin hinggil sa kanilang tandem ni Senator Christopher “Bong” Go.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatambal sa pagkapangulo at bise presidente ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte ang si Sen. Bong Go ngunit hindi naman ito itinanggi o kinumpirma ng alkalde.
Magugunitang, noong sabado naghain ng Certificate of Candidacy o CoC si Inday Sara bilang re-electionist sa pagka alkalde ng Davao City kung saan ang magiging vice mayor nito ay ang kanyang kapatid na Baste Duterte.