Inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ang pulong kasama si Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa Cebu,ay nakatuon sa kung papaano makakatulong ang kanyang regional party na Hugpong Ng Pagbabago o HNP sa kandidatura nito.
Muling binigyang diin ni Mayor Sara na wala siyang plano na tumakbo sa pag-kaPangulo sa 2022.
Hindi naman binanggit ni Inday Sara ang iba pang usapin na kanilang tinalakay sa naturang pulong.
Ginawa ng Alklade ang pahayag kasunod nang pagkikita ng dalawang partido sa Cebu City upang ipagdiwang ang kaarawan ni Tingong Party-List Representative Yedda Marie Romualdez.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico