Umapela ang pamahalaang lungsod ng Marikina sa lahat ng tutulak sa mga himlayan o sementeryo na sundin ang batas gayundin ang mga inilatag na regulasyon.
Ito’y para mapanatiling maayos at mapayapa ang magiging paggunita ng sambayanang Pilipino sa tradisyunal na Undas o pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, kaniya nang inatasan ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking nasusunod ang inihanda nilang mga plano sa paglalatag ng seguridad
Mahigpit din aniyang ipatutupad ng pamahalaang lungsod ang traffic re-routing schemes sa lahat ng mga daanan patungo sa limang sementeryo sa kanilang lugar.
Kamakailan, nagsagawa ng pag-iikot si Mayor Teodoro sa mga sementeryo sa Marikina tulad ng Our Lady of the Abandoned Cemetery, Barangka Municipal Cemetery, Holy Child Cemetery, Aglipay Cemetery, at Loyola Memorial Park