Malaking bilang ng mga Pinoy ang naniniwalang walang epekto sa ekonomiya ng bansa ang idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan lumalabas na 44 na porsyento ng mga Pinoy ang walang nakikitang epekto sa ekonomiya ang Batas Militar.
Dalawampu’t apat (24) na porsyento naman ang naniniwalang mas gaganda pa ang lagay ng ekonomiya ng bansa habang 33 porsyento ang nangangambang lumala ang lagay ng ekonomiya.
Dahil dito, lumalabas na mayroong negative 9 national balance opinion na nasa ilalim ng borderline na “neutral”.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Hunyo 23 hanggang 26 sa may isanlibo dalawandaang (1,200) respondents.
By Ralph Obina
44% ng mga Pinoy: Walang epekto sa ekonomiya ang Martial Law was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882