Siyam sa 17 Alkalde sa Kamaynilaan ang pabor na ilagay ang lugar sa Modified General Community Quarantine ( MGCQ).
Ito’y ang resulta sa ginawang botohan ng Metro Manila Council na samahan ng mga Alkalde sa kalakhang Maynila kasunod ng panukalang luwagan na ang lockdown protocols para makabawi na ang ekonomiya ng bansa na pinadapa ng pandemya.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ilan sa mga akalde ang dumadaing na sa matinding epekto ng pandemya sa kani-kanilang nasasakupan.
Aniya na riyan ang marami nang nawalan ng trabaho, pagsasara ng maraming negosyo at pinangangambahang pagkagutom ng kanilang mamamayan.
Ngunit hindi naman umano maiaalis pa rin ang takot ng mga ito sa patuloy na banta ng COVID-19 lalo’t nagkaroon pa ito ng panibagong variant.
March 2020 nang ilagay ang National Capital Region sa Enhanced Community Quarantine na pinaka mahigpit sa apat na quarantine status.