Nahaharap sa isang napakalaking political at constitutional crisis ang España makaraang mayorya ng mga Catalan ang bumoto pabor sa kalayaan ng Catalonia.
Sumiklab ang kaguluhan nang maglunsad ng malawakan at marahas na crackdown ang mga pulis sa Catalunian Region partikular sa kabisera na Barcelona.
Lumabas resulta ng referendum na 90 porsyento ng mga botante ang pabor na kumalas sa España ang Catalonia at magtatag ng sariling gobyerno o maging isang bansa.
Nagpasaklolo naman si Catalonian President Carles Puidgemont sa international community upang kilalanin ang referendum.
Samantala, nanawagan na si UN High Commissioner for Human Rights, Zeid Ra’ad Al Hussein na magsagawa ng “independent at impartial investigations” sa nagpapatuloy na karahasan.
—-