Gayunman, nilinaw ni Año na ikinukunsidera pa rin nila ang vaccination rate at risk level sa ilang lugar bago magpatupad ng hakbang.
Nagsimula ang talakayan kung kailangan na bang itigil ang pagsusuot ng face shield matapos ihayag ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na ihahain ni Año ang panukalang alisin na ang requirement na ito maliban sa mga ospital.
Samantala, naniniwala naman si Health Secretary Francisco Duque, III na risk-based dapat ang requirement na pagsusuot ng face shield. —sa panulat ni Drew Nacino