Dapat na maging maagap ang gobyerno sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Mayorya ito ng sinabi ng ilang presidential candidates sa pagkapangulo sa ginanap na debate kahapon.
Para kay ka Leody De Guzman, kailangang paunlarin ng mga otoridad ang research at development, upang mapigilan ang magiging kakulangan sa pagkain at magkaroon ng sapat na pondo ang sektor ng kalusugan.
Isinulong din ito ni Senator Panfilo Lacson sa tulong na rin ng kaniyang mungkahing magtayo ng Virology Institute.
Samantala, para naman kina Vice President Leni Robredo at dating defense secretary Norberto Gonzales, kailangang palawakin ang coverage ng pagbabakuna upang mapigilan ang isa pang surge.
Ang pagpapaigting ng contact tracing ang nakikita ni Senator Manny Pacquiao at ni Jose Montemayor jr.
Samantala, pagtuon naman sa bakuna kontra COVID-19 ang dapat pagtuunan ng pansin para kay Faisal Mangondato. —sa panulat ni Abby Malanday