Halos kalahati sa grupo ng Liberal Party (LP) sa Kamara ang nagdesisyong huwag suportahan ang impeachment complaints laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Ayon ito kay Deputy Speaker Miro Quimbo, ang pinakamataas na opisyal ng LP sa Mababang Kapulungan.
Kinumpirma ni Quimbo na labing limang (15) LP members na kabilang sa House Supermajority ay nakipagkita kay Robredo kahapon.
Dalawampu’t pito (27) sa tatlumpu’t dalawang (32) LP members sa Kamara ay miyembro ng nasabing koalisyon sa pangunguna ng mga kaalyado ng Pangulo na sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fari ñas.
Sinabi ni Quimbo na napag-usapan sa nasabing pulong bukod sa administrative matters ang impeachment cases laban sa Pangulo at Pangalawang Pangulo.
By Judith Larino
Mayorya ng LP di susuportahan ang impeachment vs. Duterte at Robredo was last modified: April 21st, 2017 by DWIZ 882