Tila may nabubuo na ngayong “silent majority” sa mababang kapulungan ng kongreso na diskumpiyado sa mga pamamalakad ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Ito’y matapos ipangako ni Velasco sa kaniyang pag-upo na magpapatupad ng dekalibreng pamumuno na kaiba sa kaniyang sinundang si Taguig Rep. Allan Peter Cayetano.
Ayon sa political analyst na si Prof. Ramon Casiple, asahan nang magkakaroon ng “silent majority” sa kamara dahil maraming pinangakuan si Velasco na hindi naman natupad.
Dahil dito, ibinabala pa ni Casiple ang mas marami pang sibakan sa Kamara upang mapagbigyan lang ang mga kaalyado ni Velasco na siyang namamayagpag ngayon.