Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang karamihan sa kaniyang mga ipinangako sa mga Filipino bilang leader ng bansa.
Sa inagurasyon ng 143 social and tourism ports sa Zamboanga City Seaport Development Project, inihayag ng pangulo na kahit patapos na ang kanyang termino, “halos lahat” naman ng ipinangako niya ay kanyang tinupad.
Kabilang sa tinukoy ni Pangulong Duterte ang peace and order at pagpuksa sa iligal na droga na pangunahing tinutukan ng kanyang administrasyon at kahit noong tumatakbo sa pagka-pangulo noong 2016 Elections.
Ayon sa punong ehekutibo, hindi siya makikiisa sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court kaugnay sa war on drugs at kung lilitisin man ay mas nais niyang sa Pilipinas ito isagawa.
Kung makukulong naman ay handa siya basta’t sa Muntinlupa dahil parang hotel naman anya ang new bilibid prison.
Maliban sa war on drugs, kaliwa’t kanang infrastructure projects sa ilalim ng “build, build, build program” ang inilarga rin ng Duterte adminstration simula noong 2016. —sa panulat ni Drew Nacino