Solido ang suporta ng mayorya kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
Tiniyak ito sa DWIZ ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali sa gitna ng mga alingasngas nang pagpapatalsik kay Alvarez bilang Speaker of the House.
Sinabi pa ni Umali na mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na rin ang sumigurong buong-buo ang tiwala niya kay Alvarez.
“Walang katotohanan ‘yun dahil wala naman kaming paggalaw, siguro baka ‘yan ay kathang-isip ng mga gustong pumigura, but I think the majority support goes to Speaker Alvarez, malinaw naman ang pahayag ng Malacañang diyan na kailan lang ay nagsalita si Secretary Roque na nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Speaker.” Ani Umali
Una nang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na intriga lang umano ang umuugong na kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para ipalit si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
(Ratsada Balita Interview)