Lumabas sa isang survey na isinagawa ng Pulse Asia na higit sa kalahati ng mga magulang ang nagsabing nahihirapan sila pagtukoy ng mga sagot ng mga learning modules ng kani-kanilang mga anak.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, isa na ito sa pinamalaking hamon sa kasalukuyang blended learning.
Malinaw ani Gatchalian na sa ganitong pagkakataon ay patunay na hindi pantay-pantay ang nabibigay na edukasyon sa mga mag-aaral.
Mababatid na sa ginawang survey noong Pebrero 22 hanggang Marso 3 ay lumutang na mas mataas ang numerong naitala sa Mindanao sa 74%; 62% naman sa visayas, 43% sa Luzon habang 32% sa National Capital Region.