Bumagsak ang job satisfaction ng mga manggagawang Pinoy ngayong taon.
Batay sa survey ng Jobstreet.com, lumalabas na bumaba sa 4.97 ang Philippine job happiness index mula sa dating 5.25 na naitala noong nakaraang taon.
Ayon kay Jobstreet Country Manager Philip Gioca, ang pagbagsak ng job satisfaction ng mga Pinoy ay dahil sa kakulangan ng career development at training opportunities sa mga kumpanya.
Naghahanap aniya ng paglago sa kanilang trabaho ang maraming manggagawang pinoy.
Sa naturang survey din, lumilitaw na dagdag sahod ang pangunahing makakapagpasaya sa mga manggagawang Pinoy.
Dagdag sahod na nasa 33% habang 23% naman ang nais nang mag-resign at mag-apply sa ibang trabaho.