Halos kalahati na ng populasyon ng Marikina City ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon ito kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, na nagsabi ring tatagal na lamang ng limang araw ang supply nila ng bakuna.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Teodoro na tiwala silang madadagdagan ang vaccine supply ng city government.