Mayorya ng mga nasasawi sa COVID-19 sa Visayas Region ay hindi bakunado.
Ayon ito kay Dr. Helen Madamba, Chief Implementer ng COVID-19 Health Facility ng Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City matapos i-report na nasa 47 COVID-19 deaths ang naitala nila mula Agosto 1 hanggang 8 at ilan sa mga nasawi ay bata.
Sinabi ni Madamba na binabantayan nila ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa kanilang ospital dahil nagkaka problema sa paglalabas at pagdadala ng mga labi sa punenarya at paglilibing sa mga ito sa mga sementeryo.
Ang nasabing ospital ay end referral center para sa virus patients sa Cebu.