Mayorya ng mga Pilipino ang handang tumulong sa mga naging biktima ng limang buwang bakbakan sa Marawi City.
Ito ay batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS survey na isinagawa nuong September 23 hanggang 27.
Lumabas sa survey na 60 porsyento ng respondents ang naghayag ng kanilang kahandaan na magbigay ng ayuda sa mga biktima ng giyera sa Marawi.
Sa tanong kung gaano kayo kahandang tumulong, 27 percent ng mga respondent ang nagsabing ‘very ready’ sila; 33 percent ang “somewhat ready; 11 percent ang ‘somewhat unready’ at siyam na porsyento naman ang sumagot na “very unready’.
Samantala, nangunguna namang tulong na kayang ibigay ng mga Pinoy ay ang dasal o magpamisa na nakakuha ng 54 percent, sumunod ay ang pagbibigay ng relief goods na may 51 percent, 49 percent naman ang pamamahagi ng damit at 16 percent ang may kayang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera.
—-