Handa ang 82% ng mga Pilipino o katumbas ng walo sa kada sampu katao na depensahan ang Pilipinas at teritoryo nito mula sa mga dayuhan.
Ayon kay Army Chief Lieutenant General Roy Galido, bukod sa development sa modernization capabilities ng hukbo, pinaghuhusay rin nito ang disiplina at propesyalismo ng kanilang hanay.
Una nang inanunsyo ni Lieutenant General Galido ang planong pagbili ng us typhon missile system, o mas kilalang mid-range capability system, para ma-protektahan ang maritime territories ng Pilipinas.
Una nang lumabas sa tugon ng masa survey na 75 percent ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa kakayahan ng Philippine Army habang 76% naman ang kuntento sa performance ng mga ito. – Sa panulat ni Laica Cuevas