Lumabas sa OCTA Research Survey na mayorya ng mga Pilipino ang handang magtayo ng negosyo sa bansa.
Sa survey na isinagawa nitong October 2022 na nilahukan ng 1,200 respondents, lumabas na 81% ng mga Pinoy ang handang makipagsapalaran sa pagnenegosyo.
Ikinatuwa naman ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion ang ulat lalo’t mayorya ng negosyo sa bansa ay kabilang sa Micro, Small and Medium Enterprises.
Sa larangan naman ng socioeconomic classes, ang mga kabilang sa klase ng ABC at D ay may interes sa negosyo na humigit-kumulang 80%, habang ang nasa E ay may interes na 74%.