Humigit kumulang sa siyamnapung porsyento (90%) na ng mga Pilipino ang miyembro na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, aabot sa tatlongdaan at animnapo’t isang milyong piso (P361-M) na ang kanilang naibigay sa ilalim ng Z benefit package noong isang taon.
Kabilang na dito aniya ang peritoneal dialysis, coronary artery bypass surgery, breast cancer surgery, kidney transplant at ventricular septal defect surgery.
Nasa mahigit isa punto tatlong milyong (1.3-M) mahihirap na pasyente ang nabigyan na din ng medical assistance na nagkakahalaga ng tatlo punto pitongpo’t isang bilyong piso (P3.71-B).
Habang aabot naman sa isa punto apatnapo’t walong milyong (1.48-M) Pilipino ang nabigyan ng libreng gamot para sa hypertension, diabetes, stroke at iba pang karamdaman.