Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na dapat na i-prayoridad ng mga tatakbong senador sa 2025 elections ang paglikha ng trabaho.
Batay ito sa Pulse Asia survey, kung saan 57% ng mga Pilipino ang nagsabing ito ang pinakamahalagang isyu na dapat na dalhing plataporma ng 2025 senate bets.
Lumabas din sa survey na 44% ng mga Pilipino ang nagsabing dapat tutukan ang investment-led economic growth habang 41% naman ang nagsabing dapat i-prayoridad ang pagpuksa sa korapsyon.
Ilan pa sa mga isyung dapat na kabilang sa plataporma ng mga tatakbong senador ang quality healthcare, edukasyon, kapayapaan at kaayusan; mas malawak na internet access;
Pagtatatag ng iba’t ibang renewable energy resources; maaasahang mass transportation; at pagtugon sa iligal na droga.
Isinagawa ang nasabing survey noong September 6 hanggang 13 sa 1,200 respondents.