Naniniwala ang mayorya sa mga pilipino na dapat makipagtulungan ang Administrasyong Marcos sa Estados Unidos upang palakasin ang security cooperation ng National Sovereignty sa West Philippine Sea.
Batay sa resulta ng Pulse Asia Survey na isinagawa noong November 27 hanggang December 1, 2022, 84 % ng mga pinoy ang naniniwala na dapat makipag-ugnayan ang administrasyon sa US, 52% sa Japan, 25% sa Australia, 24% sa United Kingdom.
23% naman sa South Korea, 20% sa China at European Union, 17 % sa Russia, 12% sa France at 2% sa India.
Samantala, ipinapakita ng survey na kailangang patuloy na makipagtulungan ang Pilipinas sa mga ka-alyado nitong bansa upang matugunan ang mga isyu at insidente sa West Philippine Sea.